top of page

PINA

PINEAPPLE

Itbayaten

Mawnawnas kunu kanu uyud a maslep u vatah

 

Maparing kunu a ipamnas iya.

 

Niya u  isturya an untamanguh kunu a aru mata Du asa ka harawi a kavaxayan am miyen u miina a mingaran su Aling Osang kanu muyvux naya anak a si Pina

 

Makayamot ta michatanih a anak, am pitrabakwen nah ni

 

Nipruyban na kunu a pitrabakwen si Pina ni ina na amna manhanwed alih ta nakataxam a abu su paringen ah dawa tud narana pinurayen ni ina na.

 

Asa ka araw am naganit si Aling Osang ah dawa nipanutung ni Pina su kanen na.

 

Medyo pa kunu a makpahad ta napsengan, amna ni intindi napah ni Aling Osang ta nu importante kunu am nu nakapsirbi nawi ni Pina diya.

 

Naynun a japya si Aling Osang a rarapya na ipatsubnah ni Pina.

 

As aka araw am nanutung si Pina ah du ka pahanam na si ina na am masawuk nahu pakol dawi.

 

“Hadinuh paruh u pakol ta?”

 

“Arih tud iyen dawi uryah sapaa.” Kwani ina na.

 

“Ay ara kwah masawuk a katihay kupa sapawen!” kwana ni Pina.

 

“Ara kana tuvwan nu umaran’an a mata ta katay musu sapawen maya, tay talakak kana.”

 

Kwana ni Aling Osang.

 

Makaraxan su pirah a kawras am minvili pah si Pina.

 

Adasan nu araw a nakapya ni ina naya am atu pa di makavili si Pina.

 

Ipachaxaxes narana ni ina naru katoxong dasawi am nata da kunwalih.

 

Asa ka araw, am miyen a mivuyas si Aling Osang, miyen kunu su nata na muxa-muxa du masngen du valag daya.

 

Nipaharuvu naw muxa-muxa aya ah ka kararaw na um dilig siya.

 

Kwana sawi am min asi u muxa-muxa awi am nu asi na aya am uda aru u mata na.

 

Du nakata na siya ni ina aya u a’si nawi am nanakem naw nivatah nawi du anak nawi.

Tagalog

Matamis daw at ubod ng sarap ang bunga ang sabi nila, lalo na kapag ito’y hindi pa gaanong hinog.

 

Maaari daw itong gawing panghimagas.

 

Ito ang kwento kung bakit daw maraming mata ang nasabing prutas at kung bakit tinawag siyang “Pinya”.

 

Sa isang malayong lugar, may mag-inang nagngangalang Osang at Pina.

 

Dahil tanging anak lang si Pina, hindi siya pinagtatrabaho sapagkat siya’y bata pa

 

Sinubukan ng kanyang ina na bigyan ng gawain si Pina ngunit nagdabog ito dahil hindi siya sanay na may ginagawa kaya pinabayaan nalang ng kanyang ina.

 

Isang araw, nagkasakit itong si aling Osang at napilitan si Pina na ipagluto ang kanyang ina.

 

Mapait-pait pa ang lasa ng pagkain na inihain ni Pina sapagkat ito’y nasunog ng kaunti ngunit hindi na nabahala si aling Osang sapagkat ang mahalaga ay pinagsilbihan ni Pina ang kanyang ina.

 

Tumagal ang sakit ni aling Osang at nagsawa na si Pina sa pagsisilbi.

 

Isang araw, habang nagluluto si Pina ay hindi niya nahanap ang sandok.

 

“Nasaan kaya ang sandok?”

 

“Nandyan lang yan, hanapin mo.” Ang sabi ni aling Osang.

 

“Kanina ko pa hinahanap ngunit wala talaga akong makita.” Ang sagot ni Pina.

 

“Sana ay tubuan ka ng maraming mata upang mahanap mo!” sigaw ni aling Osang.

 

Ilang oras na ngunit hindi pa daw bumalik si Pina.

 

Lumipas ang mga araw at gumaling na si aling Osang.

 

Nagtanong tanong siya sa mga kapitbahay nila ngunit hindi raw nila nakita si Pina.

 

Isang araw, habang naglilinis ng bakuran si aling Osang, ay may napansin siyang tumutubong halaman sa tabi ng kanilang bahay.

 

Diniligan niya ang halaman araw araw.

 

Inalagaan niya ito at ng namunga ay napakarami daw ng mata ng bunga.

 

Nalungkot na lang si aling Osang dahil naalala niya ang kanyang mga sinabi kay Pina noong pinagalitan niya ito.

English

The fruit is sweet and delicious they say, especially when it is not that ripe.

 

It can be a dessert.

 

This is the story as to why there are many eyes on the said fruit and why it is called “Pinya”.

 

In a faraway place, there is a mother and daughter name Osang and Pina.

 

Because Pina is her only child, she does not let her work because she (Pina) is still young.

 

Her mom tried to give Pina housework but she stamps her feet because she is not used to working so her mom just lets her be.

 

One day, Aling Osang got sick and Pina was forced to cook for her mother.

 

The food that Pina cooked tastes bitter because it was burned a little but Aling Osang did not mind because the important thing was that Pina served for her mom.

 

Aling Osang’s sickness was prolonged and Pina got tired of serving.

 

One day, while Pina was cooking, she cannot find the ladle.

 

“Where can the ladle be?”

 

“It’s just there, look for it.” Aling Osang said.

 

“I’ve been looking for it since awhile ago but I cannot find it.” Pina answered.

 

“I wish that you will grow a lot of eyes so that you will what you are looking for!” Aling Osang shouted.

 

Time passed by, but Pina hasn’t come back yet.

 

Days passed and Aling Osang recovered.

 

She asked around their neighbours but they did not see Pina.

 

One day, while Aling Osang was cleaning the backyard, she noticed a plant that is growing beside their house.

 

She watered it everyday.

 

She cared for it and it bear fruit and the fruit has a lot of eyes.


Aling Osang just became sad because she remembered what she said to Pina when she was scolding her (Pina).

bottom of page